DAVAO CITY – Ibinasura ng Office of the City Prosecutor sa Davao City ang libel complaint na isinampa ni Pastor Apollo Quiboloy laban kay dating Senator Manny Pacquiao.
Sa inilabas na anim na pahinang resolution ng Davao City prosecutor, kakulangan ng ebidensiya ang naging dahilan ng pagbasura ng reklamo.
Maalalang, noong 2020 presidential elections, inihayag ni Pacquiao na hindi nito tatanggapin ang imbitasyon na debate at public forum sa isang media network na pinagmamay-arian ni Quiboloy sa rason na nangmolestiya ito ng mga bata ayon sa federal government ng Estados Unidos.
Sa kabilang dako, nauna ng ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang cyber libel complaint naman na isinampa ni Pacquiao laban kay Quiboloy matapos magpost ang pastor ng paratang na umano ginamit ng dating Senador ang pondo ng pamahalaan kung kaya dili matapos-tapos ang Sarangani Sports Training Center.