-- Advertisements --
MWSS water

Inanunsiyo Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na malapit ng maabot sa target level ang tubig ng Angat Dam.

Ang nasabing dam kasi ay siyang nagsusuplay ng 90 percent ng mga katubigan sa Metro Manila.

Sinabi ni MWSS Administrator Leonor Cleofas na sa kasalukuyan ay nasa tinatawag nilang ‘comfortable’ level kaya walang dapat ikabahala ng kakulangan ng suplay ng tubig dahil umano sa epekto ng El Niño.

Mayroon din aniyang kaparaanan ang mga concessionaries sa Metro Manila gaya ng Maynilad at Manila Water para matugunan ang maaring epekto ng El Niño.