-- Advertisements --

Pinakaunang naghain ng certificate of candidacy (COC) para sa mga kakandidato sa national post sa 2022 elections House Deputy Speaker Loren Legarda. 

Pasado alas-8:00 ng umaga nang maghain si Legarda ng kanyang kandidatura sa pagka-senador. 

Tatakbo siya sa naturang posisyon sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition. 

Sa kanyang maiksing talumpati, binanggit ni Legarda ang kanyang malawak na karanasan bilanv dating majority leader at senador pagdating sa pagbalangkas ng mga batas. 

Maramj pa aniya siyang maibibigay sa bayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.  

Sa ngayon, sa Harbor Garden Tent sa loob ng Sofitel Philippine Plaza Manila compound isinasagawa ang COC filing para sa national post.