-- Advertisements --
image 179

Inihayag ng legal team ng actor at TV host comedian na si Vhong Navarro partikular ni Atty. Maggie Garduque na hindi pa ngayong araw maililipat sa naturang piitan si Navarro.

Sa ngayon, wala pang partikular na petsa kung kailan maililipat sa Taguig city jail si Navarro.

Una ng natanggap ng National Bureau of Investigation (NBI) ang order para sa paglilipat kay Navarro sa Taguig city jail.

Ayon sa NBI sasailalim pa si Navarro sa mandatory medical examination kabilang ang RT-PCR test alinsunod sa health protocols.

Kung magugunita na noong Setyembre, naghain ang Taguig prosecutors ng rape case laban kay Navarro kaugnay sa alegasyong panghahalay sa modelong si Deniece Cornejo nang pwersahan, may pagbabanta at intimidation noong Enero 2014.

Subalit una na ring itinanggi ni Navarro ang alegasyon laban sa kaniya.