-- Advertisements --
Nagwagi bilang bagong pangulo ng South Korea ang opposition leader na si Lee Jae-myung.
Nakuha nito ang panalo sa isinagawang halalan matapos na tuluyang mag-concede ang katunggali nitong si Kim Moon-soo ng People Power party.
Si Lee Jae-myung ay centris candidate mula sa Democratic Party ay nasangkot sa reklamo kung saan iniuugnay siya na malapit sa isang sangkot sa kurapsyon ukol sa lupain noong 2021.
Isinagawa ang snap elections matapos na mapatalsik si Yoon Suk Yeol dahil sa bigong pagdeklara nito ng Martial Law para pagtakpan ang mga kinasasangkutang kaso.