-- Advertisements --

Naitala ngayon ng Los Angeles star LeBron James ang kanyang season-high 39 points para pataubin ang San Antonio Spurs sa score na 143-138.

Ang 16 sa 39 points ni LeBron ay mula sa decisive stretch.

Naglaro ang Lakers na wala ang isa pang Lakers star na si Anthony Davi dahil sa kanyang calf contusion habang si Patrick Beverley ay hindi rin nakapaglaro dahil sa tatlong game suspension.

Pero sa kabilang nito, naging sandigan naman ng koponan sina James at Dennis Schroder para maitala ang limang panalo sa nakalipas nilang anim na games.

Dinagdagan ni Schroder ng 21 points ang 39 puntos ni James para sa Los Angeles.

Malaki rin ang ambag ni Lonnie Walker IV na naka-19 puntos at si Austin Reeves na naka-score ng 16.

Nasa downward spiral naman ang Spurs na nalasap ang ika-walong pagkatalo at tatlo dito ay mula sa Lakers.

Sa panig ng Spurs, pito sa mga players ang naka-double figures na pinangunahan ni Keldon Johnson na nakapagtala ng 26 points, 23 mula kay Jones at 20 naman kay Devin Vassell.

Naka-10 rebounds din si Johnson habang si Jones ay naka-13 assists.