-- Advertisements --

Nanatili pa ring bokya ang grupo ni LeBron James matapos na malasap ng Los Angeles Lakers ang ikaapat na sunod na talo sa kamay ng Denver Nuggets sa score 110-99.

Noong unang bahagi pa ng laro ay nakipagsabayan ang Lakers sa Nuggets pero kinapos pa rin sila sa huli.

Hindi kinaya ng Lakers ang Denver sa pangunguna ng reigning MVP na si Nikola Jokic na nagpasok ng 31 points at 13 rebounds.

Aminado naman ang NBA veteran na si LeBron na pinipilit pa rin nilang maging pamilyar sa bawat isa lalo na at maraming bagong players sa team.

Si James ay nagpakita ng 19 points habang si Anthony Davis, ay nagdagdag ng 22 points at 14 rebounds.

Liban sa Lakers, kasama rin nila na wala pa ring panalo ngayong bagong NBA season ay ang Orlando Magic at Sacramento Kings.