-- Advertisements --
Kinansela ni Lebanese Prime Minister Nawaf Salam ang nakatakda nitong pagbiyahe sana sa US at sa United Nations.
Sinabi nito na mahalaga ang kaniyang presensiya sa Beirut dahil sa ilang hindi maiwasang sirkumstansiya.
Una kasing inihayag ng Lebanese government ang pagbiyahe ni Salam sa Washington matapos ang pagpayag ng Israel ng direktang negosasyon sa Lebanon.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na naantala ang pagbiyahe ni Salam mula ng magsimula ang giyera sa pagitan ng US at Iran.
















