-- Advertisements --

Halos isang linggo ang inilaan ng dating porn star na si Mia Khalifa para maibenta ang kanyang salamin sa mata at makapag-donate sa mga biktima ng pagsabog sa Lebanon.

Sa pangatlong araw ngayon, nasa 100,000 US dollars na ang bidding ng nasabing 27-year-old American-Lebanese na isa ring sports commentator para makalikom na ng pondo alay sa Lebanon blast victims.

Ang naturang eyeglass ay sinasabing kanyang naging “signature” noong nasa karera pa ng pagiging porn star.

https://www.instagram.com/p/CDuH-TJp4iq/

Una na nitong ini-auction ang ilan sa kanyang personal items gaya ng pre-loved razor blade at loofa.

Kung maaalala, may mga Pinoy din ang nasawi at nasugatan bunsod ng naturang pagsabog sa warehouse sa Lebanon.