-- Advertisements --

Nakatakdang magpaabot ng tulong ang Cebu Provincial Government sa mga naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Hilagang Luzon.

Ito ang inihayag ni Cebu Governor Gwen Garcia na magbibigay ng cash assistance ang Kapitolyo.

Hindi pa aniya matukoy kung magkanong halaga ang ibibigay dahil hihingi pa sila ng karagdagang impormasyon kung ilang lgus ang apektado at ang lawak ng pinsala.

Samantala, hinimok naman ni Cebu City Mayor Michael Rama ang lahat ng city mayors sa bansa para tumulong din sa mga apektadong lugar lalo na sa mga lalawigan ng Abra at Ilocos Sur.

Bilang national president ng League of Cities of the Philippines, inatasan nito ang league secretariat na hilingin ang mga city mayors sa bansa na magpadala ng agarang tulong sa mga apektadong lgus.

Inatasan din ng alkalde ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na magpadala ng quick response team na magsasagawa ng assessment kung paano makapagbibigay ng karagdagang tulong sa lugar na higit na naapektuhan.

Posible ring magpadala ng tulong pinansyal ang pamahalaang lungsod sa mga partikular na lgu na mas nangangailangan.