-- Advertisements --
Lea with Ryan
(with Ryan Cayabyab, screen grab from Salonga’s Facebook video post)

Bakas ang excitement ni Lea Salonga na siyang aawit sa official theme song para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa bansa sa darating na Nobyembre.

Sa kaniyang social media account, nag-post ito ng maikling video clip ng SEA Games soundtrack na pinamagatang “We Win As One.”

Gawa ito ng national artist na si Ryan Cayabyab habang writer/director si Floy Quintos.

Inaasahan na magtatanghal sa opening ceremony si Lea, na makakasama rin ang Fil-American singer na si Apl.de.ap.