-- Advertisements --
ATTY GUADIZ

Ikinalugod ng Lawyers for Commuters Safety and Protection(LCSP) ang naging mabilis na tugon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga alegasyon ng kurapsyon sa ilalim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Maalalang kaagad sinuspinde ni PBBM si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III matapos ang pumutok ang isyu ng kurapsyon na umano’y kinasangkutan ni Guadiz.

Mismo kasing ang dating assistant ni Guadiz ang naglabas sa isyu na umanoy nakikinabang ang LTFRB Chair sa mga under-the-table transactions kaugnay sa modernization program ng pamahalaan sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, napakarami ng mag problemang dapat resulbahin sa ilalim ng transport sector.

Ang mabilis na aksyon ni PBBM aniya ay malaking bagay na upang mabigyan ng sapat na panahon at malayang imbestigasyon ang naturang alegasyon.

Ayon kay Atty Inton, kailangang maimbestigahan katotohanan sa likod ng umano’y talamak na lagayan sa ilalim ng regulatory body.