-- Advertisements --

Pumalag din ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa gitna ng mga panawagang isulong ang revolutionary government sa bansa para pamunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang statement, sinabi ni IBP national president Atty. Domingo Cayosa na walang legal at moral na basehan para pamunuan ni Duterte ang isang revolutionary government.

“A revolutionary government is repugnant to constitutionalism. There is no legal, factual, practical, or moral basis for a revolutionary government under the present circumstances.”

Ayon sa abogado, may ibang paraan naman para pag-usapan ang tinatawag na “RevGov” dito sa bansa, kaya huwag daw munang suportahan ang bagong panawagan dito.

Nitong Sabado nang magtiopn sa Pampanga ang aabot sa 300 supporters umano ni Pangulong Duterte para ipanawagang pamunuan nito ang bagong sistema ng pamahalaan.

Una nang umalma si Vice President Leni Robredo sa hakbang ng nagpakilalang Duterte supporters at sinabing hindi ito napapanahon dahil may krisis pa ang bansa sa COVID-19.

Ang Malacanang naman, dumepensa at sinabing bagamat iginigalang nila ang inihayag na saloobin ng grupo ay hindi naman ito ang prayoridad ng pamahalaan.