-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Naitala ang landslide sa bahagi ng Villa Verde Road sa barangay Malico, San Nicolas dito sa lalawigan ng Pangasinan dulot ng pananalasa ni Bagyong Karding.

Ayon kay Bernard Leo B. Serquiña ang siyang officer ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa naturang bayan sa ngayon ay nagpapatuloy ang clearing operation roon sa pangunguna ng Department of Public Works and HIghways o DPWH.

Una rito, nadeskubre ang landslide matapos ang isinagawang occular inspection ng mga kasapi ng LGU.

Pinawi naman nito ang pangamba ng mga residente kung saan aniya ay hindi kasinglaki ng naitalang landslide noong buwan ng Hulyo.

Wala rin aniya silang naitatalang anumang nasaktan kaugnay rito.

Gayunman apektado ang mga motorlsta o biyahero dahil naukupahan ang dalawang lane ng kalsada kaya naman pansamantalang sarado habang isinasagawa ang clearing operation.

Patuloy namang pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga motorista na dumadaan sa lugar. Ang Villa Verde Road ay daan papuntang Santa Fe, Nueva Viscaya at mas madaling daaanan papunta sa mga upland barangay ng Malico at Fianza.