-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Dahil sa pagmamagandang-loob ng biktima, siya naman ang nasawi matapos na malunod sa baha sa isang kalsadang pumapagitan sa brgy. Bocacliw at brgy. San Jose sa bayan ng Aguilar.

Ayon kay PMAJ. Mark Ryan Taminaya, ang Chief of Police ng Aguilar Police Station, kinilala ang biktimang si Jerome Dela Cruz, 20 yrs old, estudyante at residente ng brgy Bocacliw.

Tumatawid lamang umano ang biktima kasama ang dalawang kaibigan, isa dito ay 16-anyos na menor de edad nang naisipan umano ng menor de edad na lumangoy ngunit tinangay ito ng agos ng tubig.

Matagumpay naman itong nasagip ng biktima ngunit nang mapagod umano itong lumangoy, ito na ang naging sanhi ng kaniyang pagkalunod.

Nangyari ang insidente bandang alas kwatro ng hapon kahapon.