-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Natunton na ng pamilya Mallabo ang kanilang padre de pamilya na mahigit isang linggo ng hindi umuuwi.

Matatandaan na pinaghahanap ng pamilya Mallabo ng Brgy. District 3, Cauayan City ang kanilang padre de pamilya na si Mateo Mallabo, 53 anyos at nagtatrabaho bilang tagalinis sa simbahan matapos na hindi na nagpaparamdam simula pa noong July 13, 2022.

Naireport na rin ito sa kapulisan na agad namang nagsagawa ng imbestigasyon at napag alaman na ito’y isinakay sa isang tricycle sa harap ng simbahan ngunit hindi matiyak kung sino ang lalaking kasama nito dahil malabi ang CCTV footage sa lugar.

Ngayong araw, sa muling pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Jinky Mallabo asawa ng lalaki, sinabi niya na kanilang nalaman ang kinaroroonan ng kanilang mister

Sinabi ni Gng. Mallabo na halos lahat na ng kanilang kamag-anak ay kanilang napag tanungan kung naroon ang kanyang asawa subalit bigo sila.

Pero kagabi ay naalala niya ang kanilang kamag-anak sa Nueva Ecija pangunahin na ang anak ng pamangkin ng kanyang asawa na agad nitong hinanap sa social media.

Matapos makita ay agad nitong sinabi na nawawala at hindi na umuwi si Ginoong Mallabo ngunit laking gulat nito nang sabihin nito na nasa kanyang ama ang ang asawa ng ginang.

Napag-alamang pamangkin mismo ni G. Mallabo ang kumuha sa kanya dito sa Cauayan City at dinala sa kanilang lugar sa Brgy Caridad, San Jose City, Nueva Ecija.

Dahil sa galit ay hindi na inalam pa ng ginang kung ano ang dahilan ng pagtakas ng kanilang pamangkin sa kanilang tiyuhin dahil kahit damit ay wala itong dala.

Labis naman ngayon ang tuwa ng ginang dahil alam na nitong buhay ang kanyang mister .

Ngayon ay naipabatid na ni Ginang Mallabo sa kanilang ibang mga kamag-anak na alam na nila kung nasaan ang kanyang asawa, maging sa PNP at sa mga opisyal ng barangay.

agpapasalamat ito sa lahat ng mga tumulong sa paghahanap sa kanyang asawa.