-- Advertisements --
Inaresto ng mga sakop ng Tagbilaran City Police station ang isang lalaking kumuha lang sana ng police clearance.
Nakilala ang nahuli na Luke Jon Axl Borja, 28 anyos at residente ng Brgy. Poblacion I, Tagbilaran City, Bohol.
Ayon sa pulisya, napag-alaman na may warrant of arrest si Borja matapos namonitor ito sa National Police Clearance System (NPCS).
May kaso itong paglabag sa Republic Act 9262 o ang Violence Against Women and Their Children na may petsang Hunyo 3, 2022.
Inisyu ito ni HON. ZARAH DAQUILA AGUISANDO-SILVOSA, Acting Presiding Judge, RTC, 11th Judicial Region, Branch 33, Davao Del Sur at may inirekomendang fixed bailbond na P36,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ngayon ng pulisya si Borja.