-- Advertisements --

Nailigtas ng buhay ang 29-anyos na lalaking British matapos na ito ay mahulog sa balon ng anim na araw sa Bali, Indonesia.

Dahan-dahang iniangat ng mga rescuers ang katawan ng biktimang si Jacob Matthew Roberts mula sa balon sa Pecatu Village.

Nagtamo ng pagkapiliay sa kaniyang kanang hita dahil sa pagkakahulog sa 13-talampakang lalim na balon.

Ayon naman kay Krisna Maharta, ang public relations officer ng search and rescue agency, na mayroong malay ito kaya tumawag ito ng tulong sa mga residente.

Kasalukuyan na itong nagpapagaling sa pagamutan si Roberts dahil sa kaniyang sugat na tinamo.