Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang lalaking umano’y suspek ng carnapping matapos itong maaresto kaninang umaga, Nobyembre 19, sa Brgy. Kanghumaod, Dumanjug, Cebu.
Nakilala ang naaresto na si alyas “Sakuragi”, 34 anyos at residente ng Purok 3 Manga Brgy, Argawanon San Remegio, Cebu.
Si Sakuragi ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Republic Act 10883 o ang New Anti- CarnappingAct of 2016 at may Criminal Case No. B-12251.
Sa ngayon, nakadetain na ang suspek sa Dumanjug police station para sa tamang disposisyon.
Tiniyak naman ng mga otoridad na hindi sila titigil sa pagpapatupad ng batas upang pigilan at kontrolin ang anumang uri ng kriminalidad sa komunidad upang matiyak ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng publiko.