NAGA CITY-Patay ang isang lalake pagkatapos na mabangga ito ng isang naka-motorsiklo sa Maharlika Highway na sakop pa ng Barangay Doña Aurora, Calauag, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Jimmy Mendoza Dipasupil, 45-anyos, residente ng nabanggit na lugar.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang tumatawid sa daan ang biktima ng mabanggan ito ng menor de edad na suspek.
Kaagad na dinala sa ospital ang biktima pati na rin ang drayber ng motorsiklo, ngunit dineklara lang din na dead on arrival si Dipasupil.
Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ang suspek ng mangyari ang insidente.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nabanggit na insidente.