-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Lucban, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Luis, 51-anyos residente ng Sitio Gitna, Brgy Atulinao Lucban, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang mayroong isinasagawang family gathering sa bahay na pagmamay-ari ng kapatid ng biktima na kinilalang si alyas Mario noong April 22, 2024 nang magpa-alam ng uuwi ang biktima.

Pero kinaumagahan ng April 23, 2024, natagpuan na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima nang kanyang sariling kapatid na si alyas Mario sa madamong bahagi malapit sa bahay nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na ang biktima ang mayroong dinaramdan na sakit na hypertension at nakaranas na ng heart attacked noong 2023.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan patungkol sa nasabing insidente.