-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos na salpukin ang isang metal barrier sa Gamu-Roxas road sa District II, Gamu, Isabela.

Ang biktima ay si Rafael Merlin, 47-anyos, residente ng Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Gamu Police Station binabagtas ni Merlin ang Gamu-Roxas road at nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay sinalpok nito ang metal barrier na nasa gilid ng kalsada.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima na agad dinala sa Provincial hospital ng mga tumungong kasapi ng DART 831 subalit ideneklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.