NAGA CITY- Dead-on-the spot ang isang lalaki matapos na mahagip ng tren sa Brgy Inaclagan, Gumaca, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Danilo Amaro Caperiña, 65-anyos, residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na naglalakad ang biktima sa riles ng tren sa kabila ng pagbusina at warning mula sa driver nito na si Alias Gregorio.
Dahil sa pangyayari nasagi ito ng tren at nakaladkad pa ng nasa 30 metros rason upang magtamo ito ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na nagin rason ng kaniyang agarang pagkamatay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad mababatid pa na nagtatamo pala ng pagkabingi ang nasabing biktima.
Sa ngayon, paalala nalang ng mga otoridad sa mga pamilyang mayroong miyembro ng mayroon rin ng ganitong karamdaman ay huwag itong hayaang lumabas ng mag-isa, bantayan upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.