-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng sariling kapatid sa Tinambac, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Jupiter Abiada Madea, 29 anyos, residente ng Zone 2, Brgy. Mananao, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman, bigla na lamang nagkaroon ng mainit na argumento si Jupiter at ang kapatid nito na kinilalang si Jordan Abiada Madea, 38-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon kan mga otoridad, nabatid na dahil dito, bigla na lamang bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima sa ulo na nagresluta sa agaran nitong kamatayan.

Samantala, agad naman na tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente habang pinaghahanap pa rin ang suspek.