-- Advertisements --
Naaresto na ng mga kapulisan ang drayber ng kotse na sangkot sa pag-araro ng mga katao sa Liverpool, northern England.
Nangyari ang insidente habang isinasagawa ang victory parade ng Liverpool Football Club.
Ilang mga katao ang nakitang sugatan kung saan sila ay itinakbo na sa iba’t-ibang pagamutan.
Inaalam na rin ng mga otoridad ang naging motibo ng drayber sa insidente.