-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa South Korea ang isang lalaki matapos na buksan nito ang emergency door ng Asiana Airline Flights habang nasa ere.

Wala namang nasaktan sa 194 na pasahero at ligtas na lumapag ang eroplano sa Daengu International Airport.

Ilang mga pasahero lamang ang nakadama ng hirap sa paghinga habang ang iba ay nahimatay kaya sila ay dinala sa pagamutan.

Ang lalaki na nasa edad 30 ay nakapiit na at nakahandang sampahan ng kaukulang kaso.

Ang Flight OZ8124 na isang Airbus A321-200 jet ay galing sa Jeju Island at nakatakda na sana itong lumapag subalit binuksan ng suspek ang pintuan habang nasa 250metro mula sa lupain ang eroplano.

Hindi na napigilang ng mga flight attendants ang lalaki dahil nakatakda ng lumapag ang nasabing eroplano.