-- Advertisements --
NAGA CITY-Sugatan ang isang lalaki matapos na tagain ng kanyang kainuman sa Barangay Mate, Tayabas City.
Kinilala ang biktima na si Damian, 48 anyos, residente ng Andres Bonifacio Avenue, Manila.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Junar, 52 anyos, residente din ng nabanggit na lugar, nang magkaroon ng mainit na argumento ang dalawa, na naging rason upang tagain ni Junar si Damian.
Dahil dito, nag-tamo ng sugat sa kanyang mukha si Damian, na kaagad dinala sa ospital para sa agarang lunas.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan.