-- Advertisements --
image 562

Matapos ang naging pagkatalo kahapon, agad bumawi ang Los Angeles Lakers matapos makakuha ng panalo ngayong araw laban sa Orlando Magic.

Tinalo kasi ng Lakers ang Magic sa score na 106 – 103, sa pamamagitan ng 26 pts 19 rebs ni Lakers Center Anthony Davis, kasama ang 28 points ni DeAngelo Russel.

Naging maganda ang laban ng dalawang koponan matapos magpalitan ng magagandang shots ang mga players.

Anim na players ng Magic ang kumamada ng double-digit scores, sa pangunguna ng 17 points ni Gary Harris.

Gayonpaman, hindi pa rin ito naging sapat, dahil sa mas magandang shooting efficiency ng Lakers.

Nagawa kasi ng Lakers na makapuntos gamit ang 53.2% na shooting efficiency, habang 40% lamang ang hawak ng Magic.

Hindi naman naging madali para sa Lakers na nakuha ang naturang panalo matapos mistulang alatin ang kanilang tira sa 3-point area.

Gayonpaman, nakaya ng Lakers na makapagpakita ng mas magandang depensa at clutchshots sa pagtatapos ng huling kwarter ng laro.