-- Advertisements --

Meron nang kapalit ang Los Angeles Lakers coach na si Frank Vogel.

Ito ay makaraang lumutang ang pangalan ni Milwaukee Bucks assistant coach Darvin Ham bilang kapalit ni Vogel.

Maging si Lakers star LeBron James ay kinumpirma rin ang hiring kay Ham kasabay nang kanyang pag-welcome dito.

“So damn EXCITED!!!!!!!! Congrats and welcome Coach DHam!!, ani LeBron sa Twitter.

Sinasabing nagpadagdag sa resume ng 48-anyos na si Ham ay nang maging bahagi siya sa pagtulong sa Bucks sa nasungkit na NBA championship.

Naging interim head coach din siya ng Bucks ngayong season nang si Budenholzer ay magpositibo sa COVID-19.

Ang pagpapalit ng coaching head sa Lakers ay makaraang mabigo sila na umabot sa playoffs.