-- Advertisements --
Nananatiling nakabantay pa rin ang Los Angeles Lakers sa Game 2 NBA Finals nila ng Miami Heat.
Ito ay kahit na nakuha nila ang unang panalo.
Ayon kay Lakers star LeBron James, na hindi pa tapos ang kanilang trabaho dahil hindi sila kuntento sa isang panalo lamang.
Marami pa aniya silang mga gagawing trabaho para mangibabaw sa laro at makuha ang kampeonato.
Hindi naman ikinabahala ni Heat coach Erik Spoelstra sa pagka-injury ng kanilang guard na si Goran Dragic at center Bam Adebayo at sinabing may mga ibang plano na silang nakahanda.