-- Advertisements --

Nakatakdang selyuhan na ng Los Angeles Lakers ang NBA Finals nila ng Miami Heat.

Ito ay matapos na isang panalo na lamang ang kailangang ng Lakers para makuha ang unang kampeonato matapos ang isang dekada.

Sinabi ni Lakers star Anthony Davis, na pinaghandaan na nila ang anumang adjustment na ipapagana ng Heat para hindi pa matapos ang serye.

Sa huling kampeonato kasi ng Lakers ay noong talunin nila ang Boston Celtics sa Game 7.

Kapag makuha ng Lakers ang kampeonato ngayong taon ay magiging tabla na sila ng Celtics na mayroong 17 kampeonato sa kasayasayan ng NBA.