-- Advertisements --
image 73

Dumating na sa Pilipinas ang mga labi ng 4 na pinoy na namatay sa sunog sa isang factory sa Taiwan.

Nakiramay naman ang mga opisyal at tauhan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) at OWWA at tumulong sa mga kaanak sa pagkuha ng mga labi ng mga OFW.

Tumulong din sila sa pag-aayos para dalhin ang mga labi ng mga OFW sa kani-kanilang probinsya sa pakikipag-ugnayan sa mga regional office ng OWWA.

Namatay ang mga biktima sa sunog na tumupok sa pabrika ng Lian-Hwa Foods Corporation sa Changhua country.