Plantsado na ang gagawing susunod na laban ni Filipino WBC featherweight world champion Mark “Magnifico” Magsayo kontra kay former world champion Rey Vargas sa darating na July 9.
Ang tinaguriang battle of unbeatens ay isasagawa sa Alamodome sa San Antonio, Texas sa ilalim ng Premiere Boxing Champions.
Ang naturang showdown ay ang unang title defense ni Magsayo laban sa wala pang talo na si Vargas.
Target ni Magsayo na maging two-division world champion.
Ang Pinoy sensation na si Magsayo na may record na 24-0 at 16 dito ay via KOs ay una nang nakuha ang korona ng longtime champion na si Gary Russell Jr. para maibulsa ang 126-pound title.
Bago ito ang 26-anyos na si Magsayo ay pinatulog din ang dating kampeon na si Julio Ceja noong nakalipas na taon.
Si Magsayo ay nasa matinding training ngayon sa ilalim ng legendary boxing coach na si Freddie Roach doon sa Southern California.