-- Advertisements --

Nasa 10 delingkuwenteng kumpanya sa Quezon City at lima naman sa Makati City ang sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kaso sa Department of Justice (DoJ) sa kabiguang magbayad ng kanilang mga buwis.

Nasa P395 million ang hindi nabayarang buwis ng mga kumpanya sa Quezon City habang P98.6 million naman sa mga kumpanya sa Makati City o aabot lahat sa kalahating bilyong piso.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ang:

  • Filipino Entrepreneurs and Resources Network (FERN) Inc., kabilang ang corporate officer President/CEO na si Tommanny Tan at chief financial officer na si Jesusa Ortiz-Villabito. (243,749,951.52)
  • Amigo Strategic Solutions, Inc., kasama ang chairman/president Aderito Yujuico, President Edgardo Grey and treasurer na si Joselito Yujuico. (P31,290,180.24)
  • Boaz Motor, Inc., kasama ang kanilang chairman/CEO Ma. Dulce Blaylock, President Cresencio Fernandez Jr. at treasurer na si Joy Fernandez. (P17,786,602.24)
  • New Hudson Manufacturing Company, Inc., pati na ang kanilang president na si Paquita Ngo at Treasurer Consuelo Ngo. (P7,562,137.30)
  • Grand Oro Industrial Corporation kabilang ang kanilang presidenteng si Julian Lim Ho Taw at Treasurer Diojenes Alejandro Sy. (P7,225,924.19)

Limang indibidwal din ang sinampahan ng kaso dahil sa kanilang paglabag sa Section 225 ng Tax code.

Ito ay sina:

  • Rey Digal na proprietor ng RMD Electrical Services. (P39,623,100.60)
  • Ma. Luisa Reyes Angulo na proprietor ng M.R. Enterprises (P29,949,271.63)
  • Marilen Salamanque na proprietress ng Winarose Enterprise (P9,634,861.80)
  • Marlo Shervo Sajoyan, proprietor ng NIV Trading (P5,309,213.70.
  • Gilbert Bugaoan na propritor ng Coreline Drilling Supplies and Services (P2,940,086.32).

Kabilang naman sa mga hindi nakapagbayad ng buwis sa Makati City ang mga kumpanyang:

  • Attic Tours Phil’s, Inc. (P40,096,989.97)
  • Premium Cake House (P31,864,442.54)
  • X-Play Online Games Inc. (P14,078,341.04)
  • RDC Minimart Inc. (P12,547,735.17)

Ito na ang ika-472 kasong isinampa ng BIR sa DoJ sa pamumuno ni Commissioner Caesar Dulay.