-- Advertisements --
Nagkakaroon na ng improvements ang kalusugan ng tv host-actress Kris Aquino.
Sa kaniyang social media account ay sinabi niya na nakaka-survive pa naman ito sa epekto ng mga gamot.
Kailangan lamang niya na makumpleto ang blood panel result at gumaganda na rin ang kaniyang inflmmatory numbers.
Ipinagdarasal nito na ang tuluyang pagbuti niya at ng makauwi na sa Pilipinas matapos ang anim na buwan.
Mahigit 16 na buwan na kasi sila sa nirentahang bahay sa US at ang kagandahan nito ay mayroon silang swimming pool, malapit sa dagat at 10 minuto lang ang layo nila sa kaniyang doctor.
Paglilinaw pa nito na wala itong karelasyon dahil sa abala na ito sa pag-alaga sa dalawang anak niya.