-- Advertisements --

Nagretiro na sa paglalaro sa basketball si NBA guard/forward Kyle Korver.

Dahil dito ay nagdesisyon siya na maging player development assistan coach ng Brookyln Nets kasama si ilalim ni coach Steve Nash.

Huling naglaro ang 40-anyos na si Korver noong 2019-20 sa Milwaukee Bucks.

Sa loob ng 17 season ay may average ito ng 9.7 points, 3.0 rebounds kada laro.

Siya ang pang-apat na all-time career 3- pointers na nakapagtala ng 2,450.

Taong 2003 ng naging second round draft si Korver ng New Jersey Nets at inilipat siya sa Philadelphia 76ers sa halagan $125,000.

Lumipat ito sa iba’t-ibang mga koponan gaya sa Sixers noong 2003-2007, Utah Jazz, Chicago Bulls, Atlanta Hawks, Cleveland Cavaliers at sa Bucks.

Naging All-Star player ito noong 2014-15 sa Atlanta kung saan nagtapos siy ng 12.1 points, 4.1 reboudns at 2.6 assists.