Binigyang diin ng Korte Suprema na kinakailangan pa rin ng ‘sertipikasyon’ na ‘legally available’ ang isang bata para ampunin kahit pa boluntaryong isinuko ng kanyang ina.
Sa desisyon isinulat ni Associate Justice Japar Dimaampao, pinagtibayy ng Supreme Court Third Division ang pagbasura ng Regional Trial Court sa isang ‘adoption petition’ dahil sa kawalan ng sertipikasyon mula Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Nag-ugat ang kaso nang manganak ay iniwan ang kanyang anak sa pangangalaga ni Eleazar Robiso at magulang nito; isang taon nakalipas naghain ng ‘petition for adoption’ sa RTC.
Para suportahan ang kanyang petisyon, nagsumite siya ng ‘Affidavit of Consent to Adoption and Grant of Custody of Child’ na ginawa mismo ng nanay; nakasaad walang kakayahan pinansyal.
Subalit ibinasura lamang ito ng Regional Trial Court, giit na ang bata’y isinuko at kinakailangan magpresenta DSWD certification nagdedeklarang ang bata’y ‘legally available’ para sa adoption sa isailalim ng R.A. 9523.
Iniakyat ni Robiso ito sa Court of Appeals ngunit ‘dismissed’ habang pagdating sa Korte Suprema, argumento niya’y kinakailangan lamang ng sertipikasyon kung ang bata’y inabandona, pinabayaan o boluntaryong ipinagkaloob.
Ito nama’y tinutulan ng Kataas-taasang Hukuman at sinabing ang sertipikasyon ay sakop pati mga isinukong bata.
Gayunpaman, nilinaw ng korte na may pagkakataon pa rin si Robiso para sa remedyo nang sinusunod ang akmang proseso sa pag-aampon.















