-- Advertisements --

Hindi pa natatanggap ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang kopya ng report ng Philippine maritime authorities kaugnay sa pagkakabangga ng isang Chinese ship sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank sa West Philippine Sea noong nakaraang buwan.

Wala rin daw siyang ideya sa ngayon kung natanggap na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang report.

Nauna nang sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade na Hunyo 20 pa nang isinumite ang nasabing report sa Office of the President.