
Mas lamang ngayon sa pustahan ang koponan ng Morocco laban sa Croatia base sa mga sports interraction at sa mga betting odds.
Ang naturang match ay isasagawa sa Khalifa International Stadium sa Al Rayyan, Qatar dakong alas-11:00 ng gabi oras dito sa Pilipinas.
Sa ibang betting Odds, ang Croatians ay +135 favorites a risk money na $100 o katumbas ng nasa P5,000 ay mananalo ng $135 o mahigit P7,400 sa 90-minute money line na base sa Croatia vs. Morocco odds.
Pero sa ibang betting sites, ang Croatia win ay mayroong +130 pero mas lamang dito ang Morocco na nasa +195.
Mas lamang din ang Morocco sa Sports Interraction na 3.02 habang ang Croatia ay 2.22.
Pero kung pagbabasehan naman ang FIFA World Cup standing, mas lamang pa rin ang Croatia na nasa ika-12 pwesto habang ang Morocco ay nasa ika-22.
Samantala, bukas dakong alas-11:00 sa Pilipinas, isasagawa naman ang final match sa pagitan ng World Number 3 na Argentina at ang defending champion at number 4 sa FIFA ranking na France.










