-- Advertisements --

Lumagda ang Commission on Elections (COMELEC) ng kontrata para sa itatayong gusali ng poll body.

Humarap sa contract signing ang mga opisyal ng Design Coordinates, Inc. (DCI), na isang local construction company para sa construction management consultancy services.

Matatandaang nakuha ng nasabing firm ang proyekto matapos mai-award ng Comelec Infrastructure Bids and Awards Committee (IBAC).

Nilagdaan ang deal nina Chairman George Erwin Garcia at Commissioner Rey Bulay.

Habang para sa Design Coordinates, Inc., pumirma naman ang kanilang president na si Sonny Salvacion at ang kanilang managing director na si Franz Ziebert.

Ang halaga ng itatayong istraktura ng komisyon ay umaabot sa P8,391,952,800.

Ngayong taon, unang ilalaan ang P1,248,886,865 para sa building’s construction, habang P3,713,098,814 naman sa 2024 at P3,429,967,121 sa taong 2025.