-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang konduktor at sugatan ang kanyang driver sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Eliezer Aplise Inggay, 40 anyos, may asawa at residente ng purok 6, Brgy Rawari Kahusayan, Kitaotao, Bukidnon.

Sugatan naman ang driver ng Rural Tours Bus na si Crisanto Maglasang Cuesta, 42 anyos, may asawa at nakatira sa purok 3, Barangay Mahayahay, Don Carlos, Bukidnon.

Ayon kay Kabacan Chief of Police Lieutenant Colonel John Miredel Calinga na pasakay na ang mga biktima sa isang yunit ng Rural Tours bus sa loob ng Kabacan Terminal Complex patungong General Santos City ng biglang dumating ang mga suspek na lulan umano ng motorsiklo at itoy pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek palabas ng bus terminal patungo sa direksyon ng Maguindanao.

Patay on the spot ang konduktor nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan habang naisugod naman sa pagamutan ang driver.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa pamamaril sa mga biktima.(Bombo Garry Fuerzas)