-- Advertisements --

Inamin ng komedyanteng si Lovely Abella na ito ay nadapuan ng COVID-19.

Kuwento na nagkaroon ng sintomas ng coronavirus ang kanilang kasamabahay gaya ng kawalang ng panlasa sa pagkain at pang-amoy kaya ito ay kanilang in-isolate.

Para mapakampante ay nagpa-swab test ito subalit ikinagulat niya na siya ang nagpositibo.

Dumaan ito sa isolation ng dalawang linggo at ngayon ay gumaling.

Hindi naman nito ibinunyag agad ang kaniyang kalagayan para hindi umano maapektuhan ang kaniyang online business.

Labis naman ang pasasalamat nito sa kaniyang fiance na si Benj Manalo ang anak ng komedyanteng si Jose Manalo dahil hindi siya iniwan habang naka-isolate para maibsan ang depression niya.