-- Advertisements --

Ginulat ng New York Knicks ang top leading team sa Eastern Conference na Miami Heat, 111-103.

Nanguna sa diskarte ng Knicks si Immanuel Quickley na nagbuhos ng 20 points sa fourth quarter mula sa kabuuang 23 points para sa kanilang malaking comeback nang rumatsada sila sa 38-13 run.

Ang panalo ng Knicks (32-42) ay sa kabila na wala si Julius Randle.

Sa panig ng Miami (47-27) nasayang ang mga ginawa nina Jimmy Butler na may 30 points at sina Kyle Lowry at Bam Adebayo na nag-ambag ng tig-17 points.

Ito na ang ikatlong sunod na talo ng Heat.

Bagamat abanse pa sa isang panalo, nakasunod naman ang mahigpit na karibal na defending champions na Milwaukee Bucks.