-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Suspendido ang klase ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 20, 2023 sa buong lalawigan ng Aklan.

Sa inilabas na abiso ng iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa 17 bayan sa Aklan, walang pasok sa elementarya, high school at kolehiyo dahil sa nararanasang sama ng panahon dala ng shearline.

Inalerto ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Aklan ang lahat ng mga barangay malapit sa Aklan River at pinakilos ang lahat ng mga Barangay Disaster Operations Center gayundin na pina-standby ang mga BPATS at Local Rescue.

Nakataas pa rin ang Orange Rainfall Warning sa mga bayan ng Batan, New Washington, Kalibo, Numancia, Makato, Tangalan, Nabas, Malay, Ibajay, Altavas, Lezo habang isinailalim sa Yellow Rainfall Warning ang mga bayan ng Libacao, Balete, Banga, Malinao, Madalag at Buruanga.

Nagbabala ang mga awtoridad na maaaring makaranas ng pagbaha at landslides dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan.

Hindi naman inaasahang iaakyat pa sa Red Alert Level o pinakamataas na porma ng pag-alerto ang sitwasyon kung saan magkakaroon ng mandatory evacuation.