-- Advertisements --

Bumulusok ng 40.62 percent ang kita mula sa foreign arrivals sa first quarter ng taon, ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat dahil sa COVID-19 crisis.

Sa pecial meeting of the House Committee on Tourism, sinabi ni Puyat na ang kita mula sa foreign arrivals mula Enero hanggag Marso 20 ay tinatayang aabot lang ng P79.8 billion.

Mas mababa ito ng 40.62 percent kumpara sa P134.3 billion na naitala noong Enero hanggang Marso 2019.

Tinatayang nasa 1.3 million lamang aniya ang dumating na mga dayuhan mula noong Enero hanggang Marso 2020, o 40.2 percent na mas mababa kumpara sa 2.2 million sa kaparehas na period noong nakaraang taon.

Mababatid na noong 2019 sinabi ng kalihim na nakapagtala ang Pilipinas ng record-high international tourist arrivals na 8.3 million.

Ayon kay Puyat, pinaka-apektado sa krisis na ito ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Dahil dito, hindi na aniya muna sinisingil ang participation fees sa mga international fees sa international fairs at exhibitions hanggang sa katapusan ng 2021.

Nakikita na rin daw nila sa DOT na hindi kaagad makakabalik sa normal ang pagbiyahe domestic man o abroad.

Pero malaki aniya ang maitutulong sa industriya ng P43 billion na alokasyon sa ilalim ng Economic Stimulus Act.