-- Advertisements --

Inanunsyo ni North Korean leader Kim Jong Un ang plano nitong magtayo ng dalawang karagdagang destroyers sa susunod na taon, isang hakbang na tinawag niyang “makasaysayan” at magbibigay ng malaking pagbabago sa kanilang naval defense capabilities.

Ayon kay Kim, ang lumalalang banta mula sa Estados Unidos at mga alyado nito ay nagbigay-daan aniya sa kanila para palakasin ang kapangyarihan ng kanilang navy.

‘Soon, enemies will experience themselves how provocative and unpleasant it is to sit and watch the ships of an adversary run rampant on the fringes of sovereign waters,’ ani Kim sa isang seremonya ayon sa KCNA.

Ang naturang pahayag ay naganap matapos ilunsad ang 5,000-ton naval destroyer noong nakaraang buwan na maalalang pumalya ngunit matagumpay na muling nailunsasd ng North Korea.

Itinanggi din ng Pyongyang na malubha ang pinsalang tinamo ng barko at sinabing mabilis itong naayos.

Ayon sa mga eksperto, may posibilidad na ang bagong warship ay nilagyan ng mga short-range missiles, na maaaring may kakayahang magdala ng nuclear warheads.

Batay sa ulat may tulong mula sa Russia ang pag-develop ng mga bagong warship ng North Korea, lalo na’t may mga ulat na nagbibigay din ang Pyongyang ng suporta sa sigalot sa Ukraine.