SEOUL – Pinangasiwaan ni North Korean leader Kim Jong Un ang test-firing ng isang bagong gawang armas.
Ayon sa military ng South Korea, nagpakawala ang North korea ng dalawang short-range ballistic missiles kahapon, Agosto 24, pero batay sa ulat ng Korean Central News Agency (KCNA) isang “super-large multiple rocket launcher” ang kanilang pinalipad.
Sa naturang ulat, sinabi ni Kim na ang “newly developed” system na ito ay maituturing “great weapon”.
Pinuri rin nito ang mga scientists na nagdisenyo at gumawa ng naturang armas.
Iginiit din ng opisyal na kailangan ng kanilang bansa na lalo pang palakasin ang kanilang weapon dvelopment dahil na rin sa military threats at pressure mula sa aniya’y “hostile forces”.
Dahil sa hakbang na ito ng North Korea, nag-convene sa isang National Security Council ang presidential Blue House ng South.