Ayaw na umanong makisawsaw ni Kim Chiu sa pinagpipiyestahang paghihiwalay ng kapwa niya artista na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Ayon sa 29-year-old actress, sana ay huwag nang makisali ang publiko sa isyu dahil hindi biro ang sakit na kapwa pinagdadaanan nina Alonzo at Anderson.
Kung maaalala, kontrobersyal din ang breakup ni Chiu kay Gerald matapos na sunod na naging girlfriend ng 30-year-old actor si Maja Salvador na noo’y best friend pa ni Kim.
“Huwag na tayo sumali dun kasi lahat naman sila pinagdadaanan sila ngayon and siyempre hindi biro yun. Masakit ‘yun so lahat sila may pinagdadaanang pain so respetuhin na lang natin ‘yung mga desisyon nila,” ani Chiu sa push.
Sa latest isyu naman ni Anderson, nakaladkad ang pangalan ng 22-year-old actress na si Julia Barretto.