-- Advertisements --

Patay ang kilalang singer sa India na si Krishnakumar Kunnath o kilala sa pangalang KK.

Base sa imbestigayon na bigla na lamang itong nawalan ng malay habang nasa isang hotel sa Kolkata city.

Dinala pa sa pagamutan ang 53-anyos na singer subalit hindi na nailigtas pa ng mga tumingin na doktor.

Hindi pa nagbigay ang kampo nito ng tunay na sanhi ng kamatayan ng singer.

Sumikat ang singer sa India mula pa noong 1990.

Abbot sa mahigit 3,500 na kanta ang nagawa nito bago pumasok sa paggawa ng pelikula.

Bumuhos naman ang pakikiramay at kalungkutan mula sa mga iba’t-ibang kilalang personalidad sa India matapos na mabalitaan ang pagkamatay ng kilalang singer.