-- Advertisements --

DENVER – Tumipa ng 19 points at 15 rebounds si Kevin Love para manguna sa panalo ng Cleveland Cavaliers kontra Denver Nuggets, 113-103.

Nagtapos na may 25 points si Collin Sexton at nagdagdag ng 18 points at 13 rebounds si Tristan Thompson para sa Cleveland.

Sa kanilang panalo, binigo ng Cavaliers ang target sana ng Denver na manalo sa ikalawang sunod na pagkakataon.